VERIN

Dyornal bilang 1:


Bakit mahalagang matutunan ang kahalagahan, kalikasan, at katangian ng pag sulat partikular ng mga Akademikong Sulatin?

Pagpapahalaga sa akademikong pagsulat
               Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon Kong saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makakabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang.

               Mahalagang matutunan natin ang kahalagahan, kalikasan at katangian ng pagsulat ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanang ang mga pangungusap, talata at seksyon upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag ng mga ito. Ang karaniwang pagsulat ng isang akademikong sulatin ay may simula o introduksyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag at wakas na nilalaman ng kongklusyon at rekomendasyon.
               Sa buo ng akademikong sulatin ay kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap ng mahahalagang datos, mahusay na pagsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad ng gawa. Mahigpit din sa paggamit ng tamang bantas at baybay ng salita dahil ang mga sulatin na ito ay nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman.


Sulating bilang 3.

         Ano ang talumpati para sakin? Ito ay isang pagsasalita na maaaring tao na nanghihikayat,nangangatwiran at tumatalakay sa isang paksa. Mahalagang salik na dapat bigyang-diin sa pagsulat ng isang talumpati ay angkop sa nakakarami.Mahalagang isaalang-alang ang mga tagapakinig sa gagawing talumpati sapagkat, upang maintindihan ang yong paksang bibigkasin.Isang extempore na masusubok ang kasanayan ng mananalumpati sa paggamit ng mga angkop na salita sa loob ng Sandaling panahon bago ang pagbigkas. Sa gagawing talumpati dapat nakasaalang ang tagapakinig at mapukaw nito ang damdamin ng marami.


Sulating bilang 4.
             Ang posisyong papel ay bumabatay sa isang sanaysay na naglalahad ng opinyon,hinggil sa isang isyo patungkol sa batas,akademiya at iba pang nga larangan.Mahalaga ang paglalatas ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel ,sapagkat dto maliliwanagan ang mambabasa sa iyong paksang gagawin.Sa pagsulat ng posisyong papel dapat nakasaalang-alang ang mambabasa at ang paksang gagawin upang maunawaan at sang-ayunan hinggil sa isyong pinapaksa.Sa paggawa ng posisyong papel, dapat isaalang-alang ang pagpili ng paksa batay sa interest , magsagawa ng paunang pananaliksik,hamunin ang iyong sariling paksa at iba.Oo ,dapat nakakasaalang-alang ang mambabasa sa iyong gagawing posisyong papel .Sapagkat ito ang sa sang-ayunan at paninindigan hinggil sa isyong pinapaksa.





Mga Komento