ACOSTA


LAKBAY SULATIN!


Dyornal bilang 1:

Bakit mahalagang matutunan ang kahalagahan, kalikasan, at katangian ng pag sulat partikular ng mga Akademikong Sulatin?

Importansya ng may katuturang akademikong pagsulat

               Sa dinami-rami ng mga aklat na nailathala sa ating mga silid-aklatan, hindi natin lubos maisip ang mga proseso kung paano ito isinagawa. Ang mga impormasyong narito ay tiyak na sinala at pinaglaanan ng kritikal na pagsusuri upang mabuo ang mensaheng nais nitong ipabatid. Lahat ng ito mahalagang matutunan sa isang akademikong pagsulat. Nararapat na matutunan ang kahalagahan nito upang magbigay at mas palawakin ang mga kaalaman na mayroon tayo. Mahalaga rin na matutunan ang kalikasan o uri at ang mga importanteng katangian ng isang akademikong pagsulat.
               Ang akademikong pagsulat ay naglalayong magbigay ng mga makabuluhang benepisyo na bilang tugon sa mga manunulat, mga mambabasa at sa bawat indibidwal. Mahalagang maunawaan ito upang maiwasan ang mga bagay na hindi naman nararapat tulad ng mga impormasyon na layon lamang ay magbigay libang. May iba’t ibang kalikasan din ito na hangarin ay linangin ang mga kaalaman ng bawat indibidwal upang makilala kung anong uri ng akademikong pagsulat ang nakasulat. Tulad ng sanaysay, posisyong papel, abstrak at iba pa, mahalagang malaman ng isang mambabasa kung anong uri ito ng teksto. Dahil dito, mabilis maunawaan ang mensaheng ipinupunto nito. Nararapat din na malaman ang mga katanginan ng isang akademikong pagsulat. May mga katangian ito sa pagiging pormal na iniiwasan ang paggamit ng mga hindi angkop na salita. Isa rin dito ang mga layunin, paninindigan, pananagutan at kalinawan na tutulong upang magkaroon ng katuturan ang isang akademikong pagsulat.
               Ang kahalagahan, kalikasan at katangian ng pagsulat partikular sa akademikong sulatin ay nararapat na matutunan at maunawaan ng bawat indibidwal upang maisaalang-alang ang katuturan ng isang pagsulat. Ang mga ito ay magsisilbing aspeto nang mabigyang pansin at diin ang mga impormasyong nakalap para sa ikatataguyod ng pagsulat. Sa pagiging makabuluhan nito, maaari rin itong maging batayan ng ibang pag-aaral na makatutulong sa paglago ng lipunan sa pamamagitan ng sistematikong pamamaraan. 

Sulatin bilang 1: Pagsulat ng abstrak


Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas
Graziel Ann Ruth Latiza
Unibersidad ng Pilipinas



               Ayon sa abstrak na may pamagat na “Insternship: Kuwentong Loob ng Tagalabas”, kahit gaano pa tayo namulat sa mga etikal na gawain, hindi natin maiiwasan na tumaliwas sa mga ito lalung-lalo na kailangan nating gawin ito para sa minamahal natin sa buhay. Nagagawa natin ang mga ito para lamang sa mga personal na pangangailangan na tulad ng doktora sa abstrak na tumaliwas sa kanyang mga paniniwala upang mabigyang pansin ang kondisyon ng kaniyang ama. Tinatalakay lamang nito ang tipikal na kaganapan sa ospital ng kasalukuyang panahon.
               Ipinamumulat nito na lahat tayo ay nakararamdam ng lungkot, takot, lumbay at kung ano-ano pa marahil tayo ay mga tao lamang. Nagagawa nating tumaliwas sa  mgakasanayan natin para lamang sa kabuhayan.


Sulatin bilang 2

Pangalan: Kurt Francis H. Acosta

Kapanganakan: Ikaw-27 Mayo 2000
Edad: 17 years old
Kasarian: Lalaki

Magulang
Ina: Liza Hm Acosta
Ama: Joey D. Acosta

Tirahan: Bkl 2 Lot 7 Parkville Subdivision Silangan I Rosario, Cavite

Antas ng Edukasyon sa kasulukuyan:
Baitang na labingdalawa
Saint Augustine School

Mga asignaturang kinawiwilihan:
Biology, Physics and Contemporary Arts

Mga kanahihiligang gawain:
Panunuod ng pelikula at pagbabasa ng kasaysayan ng Pilipinas

Mga nataanging kasanayan:
Malalim na pag-iisip, panunuod at pagbabasa

Pinapangarap na propesyon:

Civil Engineering

Paghahambing: Abstrak 1 at 2

               Ang unang abstrak ay may pamagat na “Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas”. Ito ay patungkol sa isang doktora na tumaliwas sa kaniyang mga paniniwala para maabot ang kanyang personal na pangangailangan. Sa kabilang banda, ang ikalawang abstrak naman ay may pamagat na “Nasyunalistang Pagsipat sa Programang K to 12: Mga isyu, implikasyon at alternatibo”. Ito ay patungkol sa pagpapatupad ng kinder garten to 12 years of basic education na suportado ng ilang organisasyon ngunit may mga ilang organisasyong tutol naman dito.
               Sa ikaunang abstrak, ito ay nakapaloob lamang sa isang doktora na kung saan ay tumaliwas siya sa kaniyang mga paniniwala habang ang isa ay patungkol sa edukasyon. Ang dalawa ay magkaparehong sumasalamin sa napapanahong isyu ng lipunan ngunit nagkakaiba sa mga aspetong pinag-uusapan.
               Mas naunawaan ko ang ikalawang abstrak dahil may higit na impormasyon ito at tumatalakay sa mga isyu patungkol sa K to 12 Curriculum. 


Sulatin bilang 3: Talumpati


Ang talumpati ay ang pagbibigayng mensahe sa pamamagitan nang panghihikayat, pagpapaliwanag at kung ano pa. ito ay nakapaloob lamang sa iisang paksa kung saan ito ang magbibigay gabay upang mapalawak ang pagsulat at pagsasadula ng talumpati.
Maraming mahahalagang salik na nararapat bigayang-diin sa pagsulat ng isang talumpati. Mahalagang nauunawaang mabuti ang paksa na ating gagawin. Dapat may mga impormasyong nakalagay sa ating susulatin upang mahikayat at mapukaw ang atensyon n gating mga tagapakinig. Nararapat na bigyang importansya ang mga bagay na lulutas sa problemang nakahayag sa talumpati natin nang maging malinaw ito samga mambabasa o tagapakinig. Dapat nating isaalang-alang ang bawat tagapakinig para maabot natin an layunin nating mahikayat sila.
    Sa aking napapnuod na talumpati, ito ay isang uri ng isinaulong talumpati. Nakapaloobito sa pagmamahal sa bayan kung saan minumulat niya ang bawat isa para mahalin ang sariling bansa natin. Masisiguro ng isang mananalumpati na napupukaw niya ang damdamin ng kanyang mga tagapakinig kung nabigyang halaga atdiin ang mga detalye at mensahe na ibinabahagi niya.

Sulatin bilang 4: Spoken Poetry

        Ang spoken poetry ay masasabi nating maiba sa talumpati. Ito ay may mas damdamin sa paghahayag at ito ay talagang isinasadula o ipiniprinsinta sa mga manunuod.

         Dapat bigyang diin sa isang spoken poetry ang mga nararapt na damdamin ng kanyang sinasabi. Kung kailanganmalungkot ang pagkakasabi ay dapat timplahan niya ng kalungkutan ang detalye na sinasabi niyta. Sa pamamagitan nito, mapupukaw natin ang mga tagapakinig dahil nararamdaman nila ang emosyon n gating tula. Dapat bigyan natin sila ng impormasyon para madama at makuha nila ang mensahe natin.
       Ang aking napanuod na spoken poetry ay patungkol sa pagmamahla sa tamang panahon at tamang panahon sa maling pag-ibig.

Sulatin bilang 5


1. Sasabihin ko ang ginawa ko noong oras na iyon. Nakikipagkwentuhan lamang ako sa oras na noon athindi man lang ako kumain ng saging at itinapon na lang ang balat kung saan na siyangt dahilan ng pagkadulas niya. Papatibayin ko rin ang karapatanko sa tulong ng mgakaklase ko na kakwentuhan ko sa oras na iyon.

2. Ikakatwiran ko na napulot ko lang talaga ang wallet niya at hindi ko tinangkang kunin ito nang sadya. Kung kinuha ko sana ito ay dapat hindi ko na ibabalik dahi; magdudulot ito ng mas malaking gulo sa pagitan naming dalawa.


3. Maninindigan ako na gagawin ko ang lahat upang maglingkod sa kanila nang malinis atwalang bahid ng kung anong korapsyon. Hihingi rin ako ng paumanhin sa taong bayan sa nagawa ng aking ama na dating mayor n gaming komunidad. Kaya gagawin ko ang lahat para magtiwala sila sa akin.


Sulatin bilang 6


     1. Ano ang kahulugan ng posisying papel batay sa iyong sariling pag-unawa?

          Ito ay sanaysay na naglalahad ng opinyon na naninindigan patungkol sa isang isyu. Isa itong paraan upang panindigan an gating panig at manghikayat ng mambabasa.


      2. Bakit mahalaga ang pagkalatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel?
  
       Para makapaglahad ng depensa sa panig mo hinggil sa isang isyu. Mahalaga ang mga argument sa isang posisyong papel upang patibayin ito at bigyan ng suporta.

     3. Ano ang mahalagang elemento sa pagsulat ng posisying papel? Bakit ito mahalaga?

      Mahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel ay ang pagbabato ng mga katibayan upang suportahan ang iyong isinusulat. Ito ay ang pagbibigay ng mga katotohanan patungkol sa ipinaglalaban mo at pagkuha ng opinyon samga eksperto.

     4. Ano-ano ang nililinang na kasaysayan sa pagsulat ng posisyong papel?

      Ang mga bagay na nililinang sa pagsulat ng posisyong papel ay kung paano mo susulatin ito sa paraan ng paghihikayat sa mga mambabasa. Nililinang dito ang mga tibay ng argumento na nakalatag sa posisyong papel.

     5. Mahalaga bang isaalang-alang ang babasa ng iyong posisyong papel? Bakit?
         
           Mahalagang isaalang-alang ang mambabasa sa isang posisyong papel. Sa kanila mo malalaman kung gaano mo nahikayat ang kanilang mga isipan tungkol sa isinulat mo.

Output #1

             Ang isang pagsulat ay ating maihahalintulad sa isang pangyayari na tayo mismo ang nakasaksi. Sa mga tanong na mabubuo mula rito, tayo lang ang magbibigay kasagutan sa mga ito. Sa pangyayari na ating nasaksihan, ito ang magsisilbing paksa at tema na bubuo upang maresolba ang isang kaganapan. Ang pagsulay ay hindi lamang isinasagawa ng walang batayan bagkus ito ay nararapat bigyan ng gabay upang maayos na maibahagi ang mensahe na ating gustong iwansa mga kaisipian ng ating mga mambabasa.
            Hindi tayo makabubo ng isang sulatin kung wala tayong paksa. Ito ang pinakamahalaga upang magawa ang mga sususnod na proseso sa isang pagsulat. Ang paksa ay maaaring nakadepende sa ating interes o pananaw upang mas madali nating masabi ang mga nagay na gusto nating ipamahagi. Hindi rin tayo makabubuo ng mga katanungan kung hindi natin alam kung ano ang pinag-uusapan. Para lamang tayong nagsusulat sapapel ng kung ano-ano kahit sa simula pa lang ay hindi natin alam kungbakit tayo nagsusulat. Sa ating pagsulat, mayroon dapat tayong mga tanong sa ating mga kaisipanna maaari nating sagutin sa ating sulatin. Sa paraan na ito natin mapapaganda at mapagtitibay ang mga nakalagay sa ating sulatin. Ito rin ang magsisilbing komunikasyon natin sa ating mga mambabasa at paraan upang mabuo an gating mensahe.
            Talagang hindi mabubuo ang isang pagsulat kung hindi natin maisasaayos ang pagbuo ng paksa, tema at mga sagot sa mga tanong na mabubuo sa ating sulatin. Mahalagang magawa ito dahil ito ang paraan upang maipaliwanag natin ang mga kaalaman at karanasan sa ating paligid upang maunawaan ito ng iba. Sa pamamagitan din ng mga ito uusbong ang koneksyon at komunikasyon natin sa ating mambabasa upang maalala nila ang mensahe sa ating sulatin. 

Output #2

    
            Ang pananalisik na ito ay naglalayong paghambingin ang Tradisyunal at Modernong estratehiya sa pagtuturo upang malaman kung ano ang higit na epektibo. Sa pagsasagawa ng pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng ilang mga hakbang upang makakalap ng datos para pagtibayin angpag-aaral na ito. Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng sarbey na binubuo ng mga tanong bay sa Basic Education Curriculum at K to 12 Curriculum. Sa kabilang dako, ganoon din angmga nagging tanong para sa panayam.
            Ang sarbey ay ibinigay sa mga piling mag-aaral na baiting labing-isa ng Escuela Secondaria Senior De Salinas upang sagutin ang mga tanong na nakapaloob ditto. Samantala, ang panayam naman ay nilahukan ng mga piling guro na nagmula sa Rosario National High School. Matapos makalap ang mga datos at impormasyon para sa pag-aaral, nalaman na may higit na porsyento ng mga mag-aaral at guro ang pumapabor sa pagagmit ng Modernong Estratehiya kaysa sa Tradisyunal na Estratehiya sa pagtuturo. Ang Tradisyunal na Estratehiya ay nakakuha ng 32% habang ang Modernong Estratehiya naman ay mayroong 53.6%.
            Masasabi na higit na tinatangkilik ng mga mag-aaral at guro ang paggamit ng Modernong estilo kaysa sa kinasanayang tradisyunal na estilo. Lumalabas na rin na mas ginagamit na ang MOdernong Estratehiya batay sa mga sagot ng mga mag-aaral at guro. HIgit na epektibong gamitin ang Modernong estratehiya para sa pagtuturo.
   
     Output #3


            Titser Annie

Ang titser Annie ay isang dokumentaryong tinalakay ni Kara David. Ito ay nakasentro sa buhay sa buhay ng isang guro sa kabila ngmga hirap at sakripisyo makapagturo lamang sa mga MAngyan sa liblib na lugar ng Sitio Labo. Ang komunidad na ito ay matatagpuan sa isla ng Oriental Mindoro. Ilang kilomentro, bangin, init at ilog ang pagdadaana makarating lamang sa munting komunidad na ito. Ngunit, ang lahat ng ito ay hindi alintana ni Titser Annie Masongsong basta’t Makita niya lamang ang mga ngiti at pagpupursigi ng mga katutubong  Mangyan na matuto. Kung sa una ay hindi tanggap ni Titser Annie ang ganitong trabaho, natutunan niyang mahalin ito dahil walang imposible sa taong may misyon at walang matarik sa taong may malasakit.
Tanging sina titser Annie ar Kristel lamang ang dalawang gurong nagtutulunagn upangturuan ang mga ito rito. Nasa baiting na apat haggang anim ang tinuturuan ni titser Kristel samanatalang si titser Annie naman ay nagtuturo sa kinder hanggang sa baitang na tatlo. Umaabot sa tatlumpu ang edad ng mga estudyanteng tinuturuan nila. Ngunit may iilan pa rin na matatanda na talaga ang mga pursigido paring matuto na tulad ni Lea Baldo. Isa rin si Dina Mantaring ang tinuturuan ni titser Annie. Ayon sa kwento nito, siya na ang tumatayong ama’t ina sa kanyang pamilya simula nang namatay ang kanyang ama at nang nagkasakit ang kanyang ina. Tatlongnaraw sa isang lingo lamang pumapasok si Dina sa kadalahilangang kinakailangan niyang magtrabaho para sa pamilya. Pagkuha’t pagbebenta ng saging lamang ang alam niyang papawi sa gutom nila at ito lamang din ang alam niya para makabili ng gamot ng kanyang ina ngunit ang kita niya rito ay hindi parin sumasapat.
Nang matapos na ang panahon ni titser Annie para magturo sa mga katutubong Mangyan, binigyan siya ng pagkakataong magturo na lamang sa kapatagan kung saan ay hindi na siya maghihirap para lamang maglakad ngaabot sa dalawang oras at tumawid salabing-animna mga ilog. Ang pagkakataong ito ay kanyang tinanggihan dahil alam niya na kailangan pa siya ng mga katutubo upang magbigay inspirasyon na may dalang pag-asa at tumulong hangga’t makakaya pa niya. Hindi man siya mayaman sa salapi, mayaman naman siya sa pagmamalasakit. Talagang hindi matatawaran ang pagsasakripisyo ni titser Annie para magbahagi ng mga kaalaman, tulong at pag-asa sa mga katutubong Mangyan. 


     Output #4

Kasaysayan ng Saint Augustine School

            Ang paaralan ng San Agustin ay isa sa mga kilalang institusyon sa bayan ng Tanza sa lalawigan ng Cavite. Ito ang kauna-unahang pribado at unang paara;lan na nagtuturo ng Christian Catholic Education sa nasabing bayan. Humigit-kumulang limampung taon na ang tanda ng paaralan na ito. Marami na rin itong napatunayan bilang isang lmalaki at kilalang matatag na institusyon. Sa patuloy na pahglago nito, hindi matatawaran kung paano ito nagsimula tungo sa mga bagay na mayroon ito ngayon.
            Ang institusyon ay ipinangalan sa patron ng bayan ng Tanza na si San Agustin o sa mas kilala nitong pangalan na Tata Usteng. Ito ay itinatag noong ika-labing apat na Pebrero sa taong isang libo siyam na raan at anim na pu’t siyam sa tulong ni Monsignor Francisco V. Domingo, pari noong panahon na iyon. Ang lokasyon nito ay nasa kaliwang likod lamang ng simbahan ng Tanza. Ang sistema ng edukasyon nito ay nasa ilalim ng pamumuno noon ng De LaSalle University. Apat na pu’t apat na mag-aaral at dalawang guro lamang ang mayroon dito noon at sa unang taon nito, nagbunga ito sa epektibong pagpapatupad ng mga adhikain ng paaralan. Si Sr. Angeles Gabutina ang unang naging punog-guro ng paaralang ito. Makalipas lamang ang isang taon, nakapagpatayo agad ito ng primaryang gusali para sa elementarya. Noong taong isang libosiyam na raan at pitumpu’t isa, nagsimula naman ang pagpapatayo ng mga silid-aralan para sa sekondarya. Natapos ito sa taong isang libo siyam na raan at pitumpu’t dalawa na sinundan ng pagpapataypo ng basketobolan. Ang selyo o logo ng paraalan ng San Agustin ay disenyo ni Norgin Molina, dating mag-aaral noong taon ng isang libo siyam na raan at walampu’t walo kasama ang kanyang punog-tagapayo na si Ginoong Justo R. Cabuhat Jr. Ang selyo ay may tatlong aspeto na sumasalamin sa kabutihan, pagkamakabansa at karunungan na tumutugon sa pagkakaisa. May tema itong “Si Possunt Cur Non Ego” na nangangahulugang “If they can, why can’t I”. Sa kasulukuyan, ang punong-guro ng paaralan ay si Binibining Mercedita P. Pacumio at ang direktor naman ay si Rev. Fr. Alain P. Manalo.
            Noong dalawang libo at labing pitong taon, nagkaroon ito ng karugtong sa Daang Amaya III. Ito ay katabi lamang ng mababang paaralan ng Felipe Calderon. Ang karugtong na ito ay para sa mga mga-aaral na papasok ng Senior High School. Mayroon itong strand na ABM, HUMSS at STEM. Sa patuloy na paglipas ng panahon, ang paaralan ng San Agustin ay patuloy pa rin sa pagpapalaganap ng mga adhikain nito. Nangangarap ito na hubugin ang bawat mag-aaral sa kabutihang loob at kagandahang asal na nakasentro sa pagmamahal ng Panginoon.

     Output #5

             Si Kurt Francis H. Acosta ay tubing Rosario,Cavite. Siya ay nagtapos ng sekondaryang edukasyon sa Rosario National High School kung saan siya ay nagkamit ng ika-labing anim na karangalan sa buing mag-aaral ng kanilang taon. Nagkamit din siya ng dalawa pang medalya sa pagiging opisyal sa kanilang paaralan at sa asignaturang MAPEH.
            Siya ay ipinanganak noong Mayo 27, 2000 sa Cavite City. Ang mga magulang noya ay sina Liza H. Acosta at Joey D. Acosta. Mahilig siya sa panunuod ng pelikula at dokumentaryong patungkol sa kasaysayan ng Pilipians.
            Nagkamit siya ng medalya bilang silver awardees a taong 2016-2017 sa ilalim ng STEM Stramd. Sa kasulukuyan, siya ay isang mag-aaral ng paaralan ng San Agustin at na sa baiting na labindalawa. Inaasahan niya sa makamit ang Civil Engineering sa susunod na taon para sa kolehiyo.

     Output #6: Talumpati

Isipin Mo!

            Isipin mo! Bakit ka nga ba nariyan? Sino ang nagbigay saplot? Sino ang na-aruga? Sino ang nagmahal at patuloy na nagmamahal? Sila ang na sa tabi, silaang kakapit at sila ang mag-aangat sayo. Isipin mo! Naisip mo nab a? Hindi kaibigan mo at hindi rin kabiyak mo ngunit sila ang nagmamahal sayo.
            Nagsisisi ako sa lahat ng pagsagot, hindi pagsunod at hindi pagpaparamdam. Hindi pagpaparamdam na mahal ko sila at masabing kailangan ko sila. Naiisip ko na sila ang aagapay sa akin sa lahat ng problema’t pagsubok ngunit bakit hindi ko magawa. Hindi ko magawang suklian ng pagmamahal na simula pagkabata ko ay ipinadama nila. Naiisp ko na sayang kung hindi hindi ko maipapakita kapag wala na sila. Lilipas ang panahon pero wala pa akong nagagawa ngunit napagtanto kong dapat simulan ko na. sa simpleng pagsunod sa mga utos ay nagagawa ko na. Ngunit, isipin mo na dapat sa inyong mga magulang ay nagagawa mo rin ito. Isipin mo! Paano kung wala na sila at wala ka man lang nagawa para mapadama na mahal mo sila.
            Simulan mo kahit hindi mo pa kayang iparamdam ng buo. Suklian mo ng pagmamahal ang lahat ng ginawa nila kaya’t narito ka ngayon nakikinig sa taong nakatayo sa harapan mo. Kaya isipin mo! Simulan mo! Gawin mo!

     Output P#7: Posisyong Papel 

             Maraming isyu ang lumalabas tuwing darating ang halalan ng mga bagong opisyal at lider ng ating bayan. Lipana na naman ang mga mabulaklak nilang mga adhikain at pananalita upang mahikayat ang mga botante. Sa kabilang banda, hindi lamang sa ganitong paraan ng pangangampanya sila kumikilos. Sinisilaw nila ang mga ilan samga botante ng pera kapalit ng mga boto. Talamak ang ganitong gawain sa mga kandidatong uhaw sa pwesto.
            Batay sa larawan, mayroong kandidato nabinabayaran ang isang botante kapalit ng pagboto sa kanya. Malinaw na mali ito sa panig ng kumakandidato at sa panig ng botantekung tatanggapin niya ito. Ilang balita na rin ang kumalabas kapag panahon na naman ng halalan. May mga balita na dawit ang ilang kandidato patungkol sa ganitong isyu. Kung titignan, nararapat na hindi gawin ito dahil kung buo sa loob mo na ikaw ang tatakbo, dapat lumaban ka samga kapwa mo kandidato nang patasat malinis. Hindi mo na kailangan pa gumawa ng mga ganitong gawain para manalo. Mas magandang manalo nang patas at malinis. Tignan natin kung nahalal ka at nagkaroon ka ng isyu tungkol sa “vote-buying”, maaari kang mapatalsik sa pwesto mo.
             Maraming paraan para manalo. Tumayo ka at patunayan na gagawin at tutuparin ang mga programa na gusto mong gawin para sa ikauunlad ng bayan mo. Hindi sagot ang pagbili ng bato dahil pinapakita mo lang din na talo ka dahil sa hindi makataong ginawa mo. Sa mga botante naman, huwag kang tatanggap ng kahit na ano mula sa ganitong pangangampanya dahik baka mas malala pa ang magawa nila kapag tumagal sila sa pwesto.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Output #1: Replektibong Sanaysay


     Isang natatanging karanasan ng isang mag-aaral


            Naaalala ko pa ang unang araw ko bilang Senior High School student sa paaralan ng San Agustin. Ramdam ko ang kabog ng puso ko dahil sa kaba at paninibago. Mga bagong mukha ang nakita ko ni isa’y wala man lang akong kilala. Sa pagpasok ko sa silid-aralan, patuloy pa rin ang kaba ko. Tahimik lamang ako at walang kibo kahit kanino. Halos lahat sila ay nagkukwnetuhan dahil sigurado ako na magkakakilala sila.
            Lumipas ang isang lingo, parang ayaw ko nang pumasok. Hindi ko gusto ang ugali ng iba dahil sa gulo nila at ingay sa klase. Tila bang onti na lang ay ayaw ko na. Ayaw ko na dahil malayo ang kinagisnan kong mundo noon kaysa rito. Nahihirapan akong makihalubilo sa kanila dahil hindi ko alam kung paano makikihalubilo. Madalas kong isipin na hindi na talaga ako papasok ngunit nawawala ito sa tuwing iniisip ko ang mga pangarap ko. Ito ang mga pangarap na patuloy na nagpapalakas ng loob ko. Ang mga ito ang umalalay sa akin tuwing naiisip kong ayaw ko na. Tama nga ang sabi nila na “walang makakatalo sa taong may pangarap”. Ito ang nagging sandigan at motibasyon ko. Lumipas pa ang ilang araw, unti-unti ko silag nakilala. Ang mga kungkot at kabang nararamdaman ko noon ay napalitan ng saya.
            Isa pa sa patuloy na nagpapatibay ng loob ko ay ang sinabi ng guro ko noong nasa ikalawang taon pa lamang ako ng sekundaryang edukasyon. Sinabi niyang “Patuloy ninyong abutin ang mga pangarap niyo. Mahirap man itong abutin, basta’t patuloy na lumaban at magsikap.” Kaya rito, hindi ako nawawalan ng pag-asa kahit sa mga oras na ayawko nang lumaban. Ngayon, magtatapos na naman ako at panibong yugto na naman ng buhay ko ang susuungin ko.

     Output #2: Lakbay Sanaysay

     

     
           Sa nakaraang bakasyon ng 2017, hindi ko malilimutan ang pagbabakasyon sa Marinduque kasama ang aking pamilya.  Ito ang ikalawang pagpunta ko sa aming probinsya. Dama ko ang saya kahit na sa byahe pa lang kami lalong-lalo na sa pagsakay namin sa barko. Maayos ang pasilidad nito at komportable ako dahil pwede kang pumasok sa loob kung gusto mo ng aircon at pwede ka rin sa labas kung gusto mo masilayan ang ganda ng dagat at isla sa ibaba nito. Habang pqpalapit nang papalapit ang barkong sinasakyan namin sa isla n Marinduque. Grabe! Sobrang ganda talaga ng mga tanawin. Kitang-kita ang kabuoan ng isla. Kaya't kahit wala pa kami roon, hindi ko maiiwasan ang pagkuha ng mga litrato. Noong nasa pyer na kami, may nakita akong estatwa ni Mama Mary. Nagtanong ako kung ano ang tawag dito at sinabi nila na ito ay ang "Thr statue of Our Lady of Peace and Good Voyage". Talagang kamangha-mangha dahil sa ganda at laki nito. Katangi-tangj rin ito dahil sa nag-iisang isla lamang ito nakatayo.
           Nakilala ko pa ang Marinduque dahil apat na araw djn kaming namalagi rito. Sa pagdating namin sa bahay nila lolo't lola, malaki ang pinagbago nito kumpara sa huling punta ko rito. Malaki  talaga ito para kina lolo't lola dahil sila lamang ang nakatira rito. May mga kabitbahay din sula na mga kamag-anak din namin. Agad akong nagmano noong nakarating kami kinaumagahan. Sa unang araw, nagpahinga lang kami sa bahay. Kumuha lamang ulit ako ng mga litrato at nakipaglaro sa mga pinsan ko ng habulan at tagu-taguan. Bata pa yata talaga ako noong huling nalaro ko iyon. Kinabukasan,nagtungo kami sa Duyay falls. Sobrang hirap makapunta roon dahil sa mabatong daanan. Ngunit noong nakarating na kami, inilabas ko agad ang aking cellphone at kumuha ng litrato. Naglalakihan ang mga bato nito at napakalamig ng tubig. Nang matapos na kaming maligo, nagpasalamat kami sa nangangalaga nito dahil nalanatili nila ang ganda nito. Sa ikalawang araw naman, naligo kami sa dagat. Sobrang linaw ng tubig. Walang wala ang dagat sa Cavite kasi kumpara rito, kahit sumisid ka ay makikita mo talaa ang ilalim. Mas natuwa ako dahil may nakita akong mga nagliliniw ng pangpang. Patunay lamang na disiplinado ang mga tao rito kaya hindi nawawala ang hadan ng mga lugar.
     Sa aming lag-alis, nakaramdam ako ng kalungkutan pero nagpapasalamat ako sa pangyayaring ito. Mas malungkot ako noong umiyak si lola dahil aalis na kami. Sini ba namana ng hindi maiiyak dahil silang dalawa na naman nj lolo ang tao sa malaking bahay na ito. Noong nasa pyer na naman kami, nakita ko na naman ang estatwa. Naramdaman ko na ligtas ang aming pagbalik. Bago pa kami tuluyang lumisan, nagpasalamt ako dahil sa karanasang ito na tinuturuan ako at bunigyang inspirasyon na bumalik sa nalakagandang lugar na ito.

Output #3: Pictorial Essay



      Pagpupursigi ang sagot sa mga hinahangad


Paglalakad mula Baclaran hanggang Luneta Park at Quirino Grandstand.


Pakikipahsiksikan sa maraming tao para lamang mapalapit sa Quirino Grandstand.


Maayos na pagpapatrolya ng mga awtoridad para sa pagdating ng Santo Papa.


Ang paghihintay para sa pagdating ni Pope Francis.


Ang paglilibang ko sa aking sarili bago dumating ang Santo Papa.




Ang pagdating ni Pope Francis para sa banal na seremonya.




Pagbibigay pugay ni Cardinal Tagle kay Pope Francis.


Pag-ulan sa kalagitnaan ng seremonya,



Hindi alintana ang ulan basta masilayan lamang ang Santo Papa.


Paglibot ni Pope Francis para basbasan at masilayan ang mamamayan.


Panamdaliang nasilayan ko nang malapitan ang Santo Papa.


Output #4: Resume

Kurt Francis H. Acosta
Blk 2 Lot 2 Parkville Subdivision
Silangan I Rosario, Cavite
Email: kurtfrancis0027@gmail.com


EDUKASYON




Institusyon


Tinapos


Petsa


Unibersidad ng Centro Escolar

Bachelor of Science in Medical Technology


2022


Saint Augustine School


Senior High School (STEM Strand)


2018


Rosario National High School


Sekundarya


2016


Rosario Elementary School


Elementarya


2012



MGA LAYUNIN SA BUHAY


  • Naisasagawa nang maayos ang mga tungkulin at naisasakatuparan ang mabuti.
  • Natatapos ang mga gawain sa itinakdang oras.
  • Naisasabuhay nang mabutiang pag-uugali sa pakikitungo sa kapwa sa komunidad.


MGA NATAMO SA BUHAY

  • Silver Awardee 2017
  • Honorable Mention 2016
  • Best in MAPEH 2016
  • Most Discipline Camper 2012

MGA DINALUHANG PALIHAN




Pamagat


Organisasyon


Pinagdausan


Taon


Disaster Risk Reduction Management


SAS


SAS-SHS Campus


2017


MAC-BAN Geothermal Power Plant Seminar


Aboitiz Power


Laguna


2017


Power Plant Visit


NGCP


Laguna


2017


IYF International Youth Conference


IYF


SM Cinema Rosario

2015


SAMAHANG KINABIBILANGAN


  • Financial Club 2017-2018
  • MAth Club 2016-2017
  • Supreme Student Government 2015-2016


SANGGUNIAN


Ms. 
Cristine Joy Vizmanos
Guro
Bachelor of Science in Education
Major in Biology
Cavite State University
Rosario, Cavite
Numero: 09065932103

Mr. Dennis Reyes
Guro
Masters 
of Science in Biology (Candidate)
Bachelor 
of Science in Biology
Cavite State University
Indang, Cavite
Numero: 
09982412952


Ang mga impormasyon na nakalahad sa itaas ay pawang katotohana lamang.



KURT FRANCIS H. ACOSTA
Aplikante



     Output #5: Application Letter
     Blk 2 Lot 7 Parkville Subdivision
Silangan I Rosario, Cavite
Ika-19 ng Pebrero 2018




      GNG. VIVIAN M. VIDALLO
      Medical Technologist
      Divine Grace Medical Hospital
General Trias, Cavite

Mahal na Ginang Vidallo:

     
Pagbati!

     
Ako po si Kurt Francis H. Acosta na nagtapos ng Bachelor of Science in Medical Technology sa Unibersidad ng Centro Escolar ng Maynila taong 2022. Nais ko po sanang mag-aplay mg trabaho bilan Medical Technologist sa inyonh respetado at mabuting tanggapan. Nawa'y tanggapin ko ninyo ako kahit sa anumang posisyong nauukol sa aking kurso.
     
Ang pagigiging Assistant Medical Technologist sa huling ospital na aking pinasukan ay aking maipagmamalaki upang makasiguro na ako po ay maaasahan at handang balikatin ang anumang responsibilidad na iaatang sa akin ng inyong tanggapan.
   
 Sa kasulukuyan, ako po ay nakasipan sa aking mga magulang na nakatira sa Blk 2 Lot 7 Parkville Subdivision Silangan I Rosario, Cavite.


Lubos na sumasaiyo,

G. KURT FRANCIS H. ACOSTA






Output #6: Liham Pasasalamat

 Blk 2 Lot 7 Parkville Subdivision
Silangan I Rosario, Cavite
Ika-19 ng Pebrero 2018




      GNG. VIVIAN M. VIDALLO
      Medical Technologist
      Divine Grace Medical Hospital
General Trias, Cavite

Mahal na Ginang Vidallo:

     
Pagbati!

     
Ako po si Kurt Francis H. Acosta na nag-aplay sa inyong tanggapan bilqng isa sa mga Medical Technologist sa inyong mabuting ospital. Taos puso po akong nagpapasalamat sa sa inyong pag-apruba bilang maginy kaisa ninyo.  
Sinisigurado ko pong magiging maayos ang aking paglilingkod bilang opisyal na Medical Technologist mg Divine Grace Medical Hospital. Ako po ay naniniwalang magiging maayos ang ating samahan at sana po ay marami pa po akong matutunan sa aking propesyon sa tulong ninyo.    
Maraming salamat po muli sa inyong pagtugon.


Lubos na sumasaiyo,

G. KURT FRANCIS H. ACOSTA





















































Mga Komento