BOREJON
UNANG SEMESTRE
Dyornal #1
Bakit mahalagang matutunan ang kahalagahan, kalikasan, at katangian ng pag-sulat partikular ng mga Akademikong Sulatin?
Importansya
ng Pagsulat
Ang
akademikong sulatin ay importanteng pag-aralan ng bawat estudyante, manunulat
at ibang mga indibidwal dahil ito ay magagamit natin upang makapagsulat ng mga
sulatin na maaaring maging dahilan nang paghusay natin sa pagsusulat. Ito ay
importante sa ating lahat bagamat nagagamit din natin ito sa pang-araw-araw
nating pamumuhay. Hindi lamang sa eskuwelahan natin ito magagamit ngunit sa iba
ding mga lugar na kinakailangan ng matinding pag-intindi ng mga salita. Sa pamamagitan
nito, mas masasanay ang mga tao na magsulat ng isang mahusay at maliwanag na
sulatin. Maaari itong magdala ng kritikong pag-iisip sa mga indibidwal na
nakakatulong din sa kanila na maintindihang mabuti ang nangyayari sa mundo
ngayon.
Ang
kahalagahan ng pagsusulat sa mga tao sa ating henerasyon ngayon ay malaki. Isa
na rito ay ang pagbibigay ng mas malawak na impormasyon sa iba pang mga tao na
naghahanap ng mga akda tungkol sa isang paksa. Ito rin ay nakakatulong na
makagawa ng isang likha kung saan nakakaambag sa pagsusuri ng isang indibidwal.
Maaari rin na maintindihan pa lalo ng isang indibidwal kung papaano gumawa ng
isang sulating pang-akademiko dahil makakatulong ito sa lipunan ngayon. Ang
bawat katangian ng pagsulat ay mahalaga rin na matutunan dahil dito malalaman
ng isang indibidwal kung papaano gumawa ng isang sistematiko at organisadong
sulatin. Dahil din sa katangian ng pagsusulat nakikita ang galing ng isang
manunulat kung kaya’t kailangang itong pag-aralang maigi. Ang mga bahagi ng
isang sulatin ay kinakailangang pag-aralan para mapagsama-sama o mabalanse ng
indibidwal ang mga mahahalagang konsepto sa mga suporta na konsepto. Ang
pinaka-importante sa lahat na kailangan malaman ng bawat indibidwal kung bakit
mahalagang matutunan ang kahalagahan, kalikasan at katangian ng pagsusulat ay
dahil ito ay magagamit din natin balang araw sa ating paglaki, sa paghahanap ng
trabaho, sa paggawa ng mga pormal na sulatin at iba’t ibang mga sulatin na
nakakatulong mismo sa isang indibidwal na mapabuti ang pamamalakad ng kanilang
mga buhay.
Importante
na matutunan ang kahalagahan, kalikasan at katangian ng pagsulat dahil malaki
ang naiaambag nito sa mga indibidwal. Simulan dapat ng mga estudyante ang
malalim na pag-unawa tungkol sa pagsusulat upang maging maganda ang kanilang
kinabukasan. Ito ay magiging gabay natin patungo sa maganda at masaganang
kinabukasan. Hindi pa ito alam ng lahat pero maaari kung sisimulan ng isa at
susundan ng lahat.
Sulatin #1
Pamagat ng Paksa
Internship:
Kuwentong Loob ng Tagalabas
Manunulat
Graziel
Ann Ruth Latiza
Institusyon
Unibersidad
ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Diliman, Lungsod Quezon
Mahalagang Impormasyon sa Pag-aaral
Ipinahayag
sa abstrak na kailangang ipakita ang etika ng mga doctor kahit sensitibong
paksa ito upang mailapit sa mga tao ang doktor at maipakita kung ano ang
pagkatao nila pagdating sa kanilang propesiyon. Nakasaad din sa abstrak na
kailangang magporsige ng doktor upang makamit niya ang kanyang tungkulin kahit
na mayroon silang pinagdadaanan.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Mahalaga
ang pag-aaral na ito sapagkat dito nakikita kung papaano nababalanse ng isang
doktor ang kanyang propesiyon at ang kanyang personal na pangangailangan at
kung papaano niya nagagampanan ang kanyang tungkulin sa mga pasyente.
1. Tungkol
saan ang mga abstrak na binasa?
Ang unang abstrak na aking nabasa ay tungkol sa etika ng doktor pagdating sa kanilang propesiyon at pangpersonal na pangangailangan. Ang pangalawang abstrak naman ay tungkol sa pagpapatupad ng K to 12 sa Pilipinas at patungkol sa mga organisasyong tumututol dito.
2. Bukod sa
nilalaman, ano pa ang pinagkaiba ng dalawang abstrak?
Ang unang abstrak ay nagsaad ng kahalagahan ng pag-aaral sa mga pananaw ng mambabasa at ipinahayag kung bakit isinagawa ang pananaliksik. Ang pangalawang abstrak naman ay nagsaad din kung para saan ang pananaliksik ngunit hindi nito isinama ang pananaw ng mga mambabasa.
3. Alin sa
mga abstrak na sulatin ang iyong naunawaan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Ang unang abstrak ang aking naunawaang maigi sapagkat malinaw ang pagpapahayag ng layunin at kung ano ang kahalagahan ng pananaliksik.
Sulatin #2
Pangalan: Jene
Reiner N. Borejon
Kapanganakan: Marso
1, 2000 Edad: 18 taong
gulang Kasarian: Lalaki
Magulang:
Ina: Jinky
N. Borejon
Ama: Rene B. Borejon
Tirahan: Block 4
Lot 10 Arveemar Homes, Julugan VI, Tanza, Cavite
Antas ng Edukasyon sa Kasalukuyan (Grado at Pangalan
ng Paaralan):
Baitang 12
– Saint Augustine School
Mga Asignaturang Kinawiwilihan:
Matematika
(Calculus at Statistics at Trigonometry)
Mga Kinawiwilihang Gawain:
Mga Natatanging Kasanayan:
Kasanayan
sa pagkompyut ng problema sa Matematika at kasanayan sa pagresolba ng mga laro
Pinapangarap na Propesiyon: Maging
isang Computer Engineer
Sulatin #3
Talumpati
Ang
talumpati para sa akin ay isang makatang likha ng mga indibidwal na
nagpapahiwatig ng isang mensahe na kailangang malaman ng mga tagapakinig. Ito
ay likha ng mga indibidwal ayon sa pagkakaintindi nila tungkol sa isang paksa
na binibigyan ng sapat na oras upang mapaghandaan at maipahiwatig sa harapan ng
mga tagapakinig. Importante sa isang talumpati na alam dapat ng bawat
indibidwal kung ano ang paksa para maisaad nila nang ayos ang kanilang
talumpati. Mas importante rin na pagmasdan ang tono ng pananalita tuwing
nagtatalumpati upang mabasa ng mga tagapakinig ang emosyon o nararamdaman ng
taong nagtatalumpati. Pinakaimportante sa lahat ay ang mga tagapakinig dahil
kailangan nilang maintindihan o maunawaan kung ano ang sinasabi sa talumpati.
Nakakamangha na makita ang talumpati na aming sinuri sapagkat ito ay isinaulong
talumpati kung saan napaghandaan talaga ng indibidwal ang kanyang piyesa.
Masisiguro nating lahat na mapupukaw ang atensyon at damdamin ng mga
tagapakinig sa ating talumpati kung mas maipapakita natin ang ating damdamin at
nararamdaman tungkol sa paksang binibigkas sa kanila.
Sulatin #4
Spoken
Poetry
Ang
spoken poetry para sa akin ay isang matalinhagang pagpapahiwatig ng
nararamdaman ng isang indibidwal tungo o dahil sa isang paksa. Kailangang
maipakita ng indibidwal ang kanilang emosyon o nararamdaman sa kanilang piyesa
sapagkat dito nakikita ng mga tagapakinig kung gaano dinadamdamng indibidwal
ang kanilang spoken poetry. Kung papanatilihin ang kanilang nararamdaman sa
kanilang spoken word o poetry, mapupukaw nito ang nararamdaman ng mga
tagapakinig hanggang sa matapos nila ang kanilang pagsasalita o pagbibigkas.
Sulatin #5
1. Itinuro ka
ng iyong kaklase sa iyong guro kaya ikaw ang napagkamalang naghagis ng balat ng
saging sa sahig upang madulas ang iyong kaklase.
Sasabihin
ko sa aking guro na hindi ako kumakain ng pagkain tuwing nagkaklase at hindi
ako nagbabaon ng pagkain sa paaralan. Mahinahon kong ilalahad ang aking dahilan
at posisyon sa aking guro.
2. Napulot mo
ang wallet ng taong naiinis sa iyo. Iaabot mo sana ito sa kanya. Subalit,
pinagbintangan ka niya na ikaw ang kumuha ng wallet niya.
Tatanungin
ko kung magkano ang laman ng kanyang wallet at ipapakita ko na hindi ito
nabawasan. Iaabot ko ito sa kaniya at hindi kaagad ako aalis upang makita niya
na ako ay inosente.
3. Ang iyong
ama ay dating mayor ng inyong bayan na nasangkot sa graft and corruption kaya nang ikaw ay kumakandidato bilang Kapitan
sa inyong komunidad ay inaakusahan ka na isang magnanakaw.
Ipapakita
ko sa mga tao na hindi ako magnanakaw sa pamamagitan ng pagsabi sa kung ano ang
mga naiambag ko sa komunidad at sa pagpapakita sa kanila ng aking record sa
pulisya o kahit ano mang pang-politikang papeles.
Sulatin #6
1. Ano ang
kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong sariling pag-unawa?
Ito ay
isang akademikong sulatin kung saan mayroong ipinaglalaban na posisyon ang
manunulat tungkol sa isang partikular na isyu.
2. Bakit
mahalaga ang paglatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel?
Ang mga
argumento ang pinakaimportanteng nilalaman ng isang posisyong papel dahil dito
makikita ng mga mambabasa ang mga impormasyon at opinion ng manunulat at
makikita rin dito ang ipinaglalaban at pinapanindigan ng manunulat tungkol sa
isang partikular na isyu.
3. Ano ang
mahalagang element sa pagsulat ng posisyong papel? Bakit ito mahalaga?
Ang
mahahalagang elemento ng isang posisyong papel ay ang mga sumusuportang detalye
at mga ebidensiya na magpapatibay sa posisyon ng manunulat. Ito ay mahalaga
dahil ito ang magpapalakas sa opinyon ng manunulat at mas mapapanindigan nito
ang posisyon ng ipinaglalaban niya.
4. Anu-ano
ang nililinang na kasanayan sa pagsulat ng posisyong papel?
Kailangan
na panindigan ng manunulat ang kanyang posisyong sa isang partikular na isyu.
Kailangan din na mahinahon ang paglalahad ng argumento para makita ng mambabasa
ang kompidensiya ng manunulat sa kanyang posisyon.
5. Mahalaga
bang isaalang-alang ang babasa ng iyong posisyong papel? Bakit?
Importanteng
isaalang-alang ang babasa ng ating posisyong papel dahil makikita ng mga
mababasa ang posisyon ng manunulat at dito sila magbabase ng kanilang mga
pananaw tungkol sa isyu ng papel.
Sulatin #7
Posisyong
Papel
Ang
Paggamit ng Wikang Filipino
Bilang
Panturo sa Kolehiyo
1. Ano ang
isyung binibigyang-diin sa posisyong papel?
Ang isyung
binibigyang-diin sa posisyong papel na aking nabasa ay tungkol sa paggamit ng
wikang Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo at ang pagkakaroon ng
asignaturang Filipino bilang mandatory
core course sa kolehiyo.
2. Paano
inilahad ang opinyon sa posisyong papel?
Ipinakita
ng manunulat ang kanyang opinyon na mayroong sumusuporta na detalye ayon sa mga
ebidensiyang nakalap niya na siguradong magpapatibay sa kanyang pangangatwiran.
3. Paano
inilatag ang mga ebidensiya hinggil sa isyu? Anu-ano ang mga ito?
Sa bawat
opinyon ng manunulat, inilatag niya ang mga ebidensiya na kanyang nakalap ayon
sa sinabi niyang pangangatwiran. Mayroong mga ebidensiya ng galing sa internet o aklatan.
4. Ano ang
naging kongklusyon sa posisyong papel?
Ipinakita
na sinusuportahan ng iba pang institusyon ang paggamit ng wikang Filipino kung
kaya iminungkahi ng manunulat na gamitin ito.
5. Ikaw, ano
ang paninindigan mo sa isyu?
Sumasang-ayon
ako sa isyu sapagkat mas mabubuhay ang diwa ng mga Pilipino kung patuloy na gagamitin
at pag-aaralan ang wikang Filipino sa kolehiyo at magsisilbing inspirasyon sa
pag-alala ng kultura ng ating bansa.
Output #1
Ang
pagsulat ng isang sulatin ay kinakailangan ng paksa at tema dahil sa
pamamagitan nito, nakikita na ng mambabasa kung ano ang nais ipahiwatig ng
sulatin. Ito ay importante na alamin ng manunulat at mga indibidwal sapagkat
dito naisasaad ng manunulat ang kanyang mga ideya at pananaw tungkol sa gagawin
niyang sulatin. Isa ito sa mga tinitingnan ng mga mambabasa dahil nakikita rito
ang kung interesante ba ang paksa na nais ipahiwatig ng sulatin. Kailangang
pagtuunan ng pansin ang paksa, tema o tanong dahil dito iikot ang buong sulatin
ng isang indibidwal.
Sa
paksa unang tinitingnan ng mga mambabasa kung para saan ba ang sulatin. Inaalam
ng mambabasa kung ano ang layunin ng sulatin dahil dito rin nila pinagbabasehan
kung ano ang hinahanap nilang impormasyon. Ang mga manunulat ay kailangang
isaalang-alang ang kanilang mga mambabasa at ang kanilang karakter dahil maaari
silang makapaglagad ng mga katagang hindi kaaya-aya para sa sariling pananaw ng
mga mambabasa. Kung kaya’t kailangang maging malinaw ang paksa ng sulatin upang
maintindihan kaagad ng mambabasa ang ipinapahiwatig nito. Pinagtutuunan din ng
pansin ang tema ng isang sulatin dahil dumadagdag ito sa kagandahan at kaayusan
ng mismong sulatin. Ang maayos na pagkakalahad ng tema ng isang sulatin ay
madaling unawain ng mambabasa. Kailangang maging malinaw rin ang pagkakalahad
ng tema sapagkat mas nakakakuha ito ng atensyon ng mambabasa at pagtutuunan ng
pansin ang mismong sulatin. Huli sa lahat, kailangan na masagot ng sulatin ang
katanungan na umiikot sa isipan ng mga mambabasa. Ito ang pinakaimportanteng
alalahanin pagdating sa pagsusulat ng isang sulatin sapagkat ang layunin ng mga
mambabasa ay ang makakuha ng impormasyon tungkol sa isang katanungan na nais
nilang malaman ang kasagutan. Sa pamamagitan ng isang mahusay na sulatin,
nasasagot ang mga katanungan ng mga indibidwal tungkol sa isang espisikong
pangyayari at nakakatulong pa lalo na mapalalim ang kanilang kaalaman ukol sa
iba’t ibang paksa.
Importante
na pagtuunan ng pansin ang pagsasaad ng paksa, tema at tanong ng isang
manunulat o kahit sinong indibidwal pagdating sa pagsusulat. Umiikot dito ang
pinakadaloy ng isang sulatin kaya kailangang kailangang pag-igihan natin ang
paggawa ng isang sulatin. Makakamit din natin na makapaglahad ng isang
kaaya-ayang akda para sa iba’t ibang tao at maaari pa tayong makatulong sa
kanilang paglawak ng kaalaman.
Output #2: Impormatibong Abstrak
Ang Wikang
Filipino sa Makabagong Panahon
Isinalaysay
sa pananaliksik na ito ang pagbabago ng mga salitang binibigkas ng mga kabataan
ngayon sa ating bansa. ipinapakita rito kung ano ang nagiging dahilan ng
pagbabago ng mga salita na sinasabi ng kabataan tulad ng pagtutok nila sa mga
kagamitan ng makabagong teknolohiya. Dahil sa lumalaganap na sitwasyong ito,
nakapag-isip ng mabuti ang mga mananaliksik kung papaano ba talaga unti-unting
nagbabago ang mga wikang binibigkas ng mga kabataan.
Nakapagkalap
ng impormasyon ang mga mananaliksik sa pamamagitan nang pagpapahayag o
pagbibigay ng survey sa mga piling
kalahok para sa pananaliksik na ito. Ayon sa mga datos na nakalap nila,
mayroong iba’t ibang salik na ginagamit ang mga kabataan na nagiging dahilan ng
pagkalimot nila sa nakasanayan nating wika. Ang pagbabago rin ng wika sa
henerasyon ngayon ay masasabi ring benepisyal para sa mga kabataan dahil mas
madali silang makipag-usap sa iba at labis na mauunawaan kung ano ang nais
nilang ipahiwatig. Dahil din sa pagbabagong ito ay nakakaligtaan na ng mga
kabataan ang importansya ng wikang Filipino at unti-unti itong nawawalan ng
halaga sa lumalaganap na henerasyon ngayon.
Importanteng
alamin ng lahat kung bakit nga ba nagbabago ang pagbibigkas ng mga salita sa
henerasyon ngayon. Kung ayon sa mga kalahok ng pananaliksik na ito ay
sumasang-ayon sa pagbabago ng wikang Filipino, kailangang malaman ito ng bawat
Filipino dahil dito nakasalalay ang kasalukuyan at hinaharap ng ating bansa.
Output #3: Sintesis #1 (Kronolohikal)
Titser
Annie
Si
Titser Annie ay isang guro na nagtuturo ng mga Mangyan sa isang liblib sa
kagubatan sa Oriental Mindoro na kung tawagin ay Sitio Labo. Tinatawiran ni
Titser Annie ang masukal na kagubatan, labing-anim na ilog at isang oras na
paglalakad upang makarating sa nasabing lugar. Sa Sitio Labo ay mapapansing
walang kuryente at malinis na tubig kaya mahirap manirahan sa lugar na
nabanggit. Kahit na ganito ang pamumuhay ng mga Mangyan ay natuto naman silang
magbigayan sa isa’t isa.
Pinagsasama
nila Titser Annie at ang kanyang katulong na guro na si Titser Kristel ang mga
bata tuwing sila’y nagtuturo dahil dalawa lamang ang silid-aralan sa Sitio
Labo. Ang mga bata ay nakikinig ng maigi sa kanilang guro kung kaya’t bilang
pasasalamat nila Titser Annie at Titser Kristel ay tinuturuan din nila ang mga
matatanda o magulang ng mga bata ng libre.
Mapapansin
na may isang dalaga ang namumukod tangi na nag-aaral sa mga estudyante ni
Titser Annie. Siya ay si Dina at siya’y dalawampung taon na edad na. Siya rin
ay minsang umuuwi ng maaga sapagkat inaalagaan niya ang kanyang ina na may
dalawang taong pneumonia. Naghihirap
si Dina na makabili ng gamut dahil nasa baba pa ng bundok ang pharmacy na pinagbibilhan ng gamut.
Kadalasan na dalawang gamot ang kanyang nabibili kaya talagang nahihirapan
siyang pagamutin ang ina. Tinuturuan siya ni Titser Annie na makapag-aral ng
maigi upang maipakita niya na lahat ay kayang matuto kahit ano pang edad.
Si
Titser Annie ay binigyan ng promotion
na magturo sa Villa Pag-Asa Elementary School kung saan mas maginhawa ang
pamumuhay ngunit hindi niya ito tinanggap. Mas pinili ni Titser Annie na
magturo sa Sitio Labo saoagkat mas magaan ang loob niya sa mga estudyante roon
at iba ang nararamdaman niya sa kanila. Si Titser Annie ay mahirap man sa
salapi ngunit mayaman sa pagmamalasakit.
Output #4: Sintesis #2 (Knonolohikal)
Saint
Augustine School
Ang
Saint Augustine School ay isang paaralan sa Tanza kung saan ipinangalan kay San
Agustin o mas kilala bilang Tata Usteng. Si San Agustin ang patrong santo ng
Tanza kaya ito ipinangalan sa paaralang ito. Ito ay natagpuan ni Monsignor
Francisco V. Domingo noong ika-14 ng Pebrero taong 1969. Nais ng paaralan na
ito na makapagbigay ng magandang kwalidad ng pagtuturo at makabanal na
pang-Katolikong edukasyon para sa mga kabataan.
Pormal
na nagbukas ang Saint Augustine School noong Hunyo taong 1969 at nag-alok ng
kinder at baitang 1 para sa mga kabataan. Ito ay unang pinamunuan ni Sr.
Angeles Gabutina, AR, ng dalawang buwan bago ito pangunahan ng pangalawang
punongguro na si Sr. Clemencia Ranin.
Ang
Saint Augustine School ay nagmula sa 44 na estudyante at 2 guro. Ito ay
unti-unting umusbong at lumaganap dahil sa edukasyong inaalok nito. Pagkatapos
ng isang taon, nakapaggawa ng isang gusali ang paaralan para sa elementarya.
Noong taong 1971, sinundan ito ng isa pang gusali para sa sekondaryang lebel o
hayskul at natapos na gawin noong 1972. Sinundan naman ito ng basketball court.
Nang
umalis si Sr. Ranin, pinalitan siya ni Sr. Matilde bilang punongguro noong
1971. Siya ay naging punongguro ng dalawang taon hanggang sa palitan siya ni
Miss Patrocinio San Juan. Sa taong 1975, nagretiro si Monsignor Francisco V.
Domingo bilang direktor ng paaralan.
Nagbago
ang administrasyon ng Saint Augustine School bagamat ang bagong direktor nito
ay si Fr. Luciano Paguiligan at si Fr. Corsie Legaspi bilang bagong punongguro
noong taong 1977. Lumipas ang mga panahon hanggang 1989, ang kinikilalang
punongguro ngayon na si Miss Mercedita Pacumio ang namumuno sa paaralang
hanggang kasalukuyan.
Kasalukuyang
nagkaroon ng Senior High Campus sa paaralang San Agustin at tumatagal ito ng
halos dalawang taon na pagtuturo hanggang ngayon. Malayo-layo na ang inilakbay
ng Saint Augustine School. Malayo pa ang lalakbayin nito at madami pang
pagsubok na dadating na maaaring magpaganda pa sa paaralan na alam natin
ngayon. Sa ngayon, ito ang alam natin ang tungkol sa Saint Augustine School at
maaari pang dagdagan paglipas ng panahon.
Output #5: Bionote
Si
Jene Reiner N. Borejon ay tubong Tanza, Cavite, na kasalukuyang nag-aaral sa
Saint Augustine School bilang isang estudyante sa baitang 12. Siya ay
kasalukuyang nag-aaral sa strand na
STEM o Science, Technology, Engineering
and Mathematics.”
Siya
ay karaniwang naninirahan sa adres na Block 4 Lot 10 Arveemar Homes, Julugan
VI, Tanza, Cavite. Mayroon siyang kasanayan sa pagkompyut ng mga problema
pagdating sa asignaturang Matematika at may kasanayan sa pagresolba ng mga laro
sa kompyuter o kahit anong gadyet sa makabagong teknolohiya.
Hilig
niya ang asignaturang Matematika lalo na sa sangay ng Calculus, Statistics at Trigonometry.
Mayroon siyang kasanayan sa pag-aanalisa ng mga terminolohiya sa asignaturang
siyensiya, Ingles at Filipino ngunit mas hilig niya ang asignaturang
Matematika.
Output #6: Talumpati (Spoken Word)
Simpleng
Ako
Mula
sa aking pagsilang, ako ay ako. Ako na isang simpleng tao na may karapatang
mabuhay sa mundo. May pangarap na gustong makamit. Buhay na simple kahit
masakit. Masakit dahil hindi naman natin mapipigilan gumawa ng mali. Mga
pagkakamali na nais kong itama. Pero hindi na maaari dahil sa tadhana. Alam ko
na sa sarili ko na madaming galit sa akin. Dahil sa ugali kong hindi kaaya-aya.
Lahat na lang nagtatanim ng galit. Ano bang pakialam niyo? Sarili kong itong
pinag-uusapan natin. Pero minsan maiisip ko na walang nagmamahal sa akin.
Gabi-gabi na lang ako sa kwarto mag-isa at malungkot. Wala man lang nakakaalala
sa akin. Sa simpleng “kumusta” lang naman ako ay matutuwa. Kahit papaano Nakita
lang nila ang pangalan ko para alalahanin. Sa bahay, parang ako ay pasakit.
Simpleng gusto lang ng aking mga magulang hindi ko pa makamit. Tamad na tamad
ng gumalaw dahil sa bahay pa lamang wala na akong kasusta-sustansiya. Sa
eskwelahan, mga kaklase at kaibigan ko hindi ko na alam kung sino ang totoo o
plastik. Kasi iyong iba, magaling lang naman kapag may kailangan sa akin.
Ganoon din ako kapag may kailangan sa kanila, kaso hindi naman palagi. Siguro
ganito lang talaga ang nais ng tadhana sa akin. Pero hindi, nandyan pa rin ang
Diyos na magmamalasakit sa akin. Panahon lang ang makakapagsabi kung ano ang
aking mararating. Pero tandaan niyo ito, sa mga nakakakilala at hindi
nakakakilala sa akin, ako’y isang simpleng tao, nagnanais lang ng magbigay sa
inyo ng tuwa at ngiti.
Output #7: Posisyong Papel
Ang
isyung tinatalakay sa editorial cartoon na
nakasalaysay ay tungkol sa mga taong nasingit sa mahabang pila. Hindi tama ang
pagsingit sa mahabang pila dahil hindi ito patas para sa mga nakapila ng maayos
at mas naunang pumila. Ipinapakita sa larawan na unti-unting sumisingit ang
binatilyo sa mahabang pila. Mayroong karatula na nagsasabing “Pumila nang
maayos,” ngunit hindi ito sinunod ng binatilyo. Ang kinalabasan ng kanyang
inasal ay ang pagkakaroon sa kanya ng pagkainis ng mga taong nakapila nang
maayos. Pinipigilan naman ng isa pang binatilyo ang pagsingit niya. Nakikita
rito na naiinis din ang binatilyong iyon sa ipinapakita ng bastos na binatilyo.
Marapat lamang na irespeto natin ang mga taong nakapila ng ayos sa anumang
lugar dahil sila ay maayos na sumusunod sa palatuntunin na “Pumila nang
maayos.” Hindi rin patas na ibibigay mo ang iyong puwesto sa mga taong nais
sumingit sa pila. Ikaw ay nagmamadali sa iyong oras at papasingitin mo lang ang
taong gustong sumingit sa iyo? Hindi iyon patas para sa iyo at sa mga taong
mahinahon na naghihintay sa kanilang puwesto sa isang pila. Tandaan natin na
ang pagpila nang maayos ay parang relasyion na kung saan kapag nasa iyo na,
huwag mo nang pakawalan. Huwag mo nang hayaan na mapunta ito sa iba dahil kapag
naagawan ka sa iyong puwesto, pagsisisihan mo at panigurado na mauunahan ka pa
na makamit kung ano man ang gusto mong makuha. Tayo ay pumila nang maayos at
maging patas para sa mga taong maayos na naghihintay sa kanilang puwesto sa
isang pila.
PANGALAWANG SEMESTRE
Output #1: Replektibong Sanaysay
Isang
Natatanging Karanasan Bilang Mag-aaral
Ang
pagiging isang mag-aaral ay mahirap na gawain para sa mga kabataan ngayon. Maraming
mga proyekto at output na kailangang
ipasa sa mga guro. Maraming aralin na kailangang unawain nang maigi upang
mayroong maisagot sa mga pagsusulit. Maraming mga aktibiti sa mga okasyon at
pagdiriwang sa paaralan na sasalihan. Napakaraming gawain na kailangang tapusin
ng isang mag-aaral. Ngunit isipin natin na sa kabila ng lahat ng napakaraming
gawain ng isang mag-aaral, mayroon itong kapalit na masasayang alaala at
karanasan na madadala nating lahat hanggang sa ating pagtanda. Mga karanasan na
bumuo sa ating pagkatao at realisasyon na maaari pa nating pagandahin ang ating
pamumuhay sa kabila ng hirap at pagdurusa.
Iniisip
natin na mahirap maging isang mag-aaral dahil sa mga gawain na kailangang
tapusin kaagad. Mahirap maging mag-aaral, ngunit saya ang kapalit nito sa ating
lahat. Kalimitan na mararanasan natin ang pagpasa ng mga output sa mga asignaturang ating pinag-aaralan. Nagkakaroon tayo ng
mga pangkat kung saan magtutulungan ang bawat isa para matapos at maipasa ang
isang output. Gagawa ang isang
pangkat sa espisipikong lugar na sasang-ayon ang lahat. Karaniwang mayroong
ginagawa ang pangkat, ngunit hindi natatapos kaagad. Habang nagawa ang pangkat,
nagkakaroon ng mga tuksuan sa isang miyembro na nagpapasaya ng lahat. Minsan,
maraming rebelasyon na natutuklasan tulad ng mayroong gusto ang isang kagrupo sa
isa pang kagrupo at doon pa sila nagkabistuhan habang nagawa ng proyekto. Nakikilala
ng bawat isa ang mga kagrupo sa pamamagitan ng pagkukuwentuhan habang
nagpapahinga saglit. Pagkatapos ng isang araw, uuwi ang lahat na may ngiti at
naasang mauulit muli ang mga naranasan habang nagawa ng proyekto. Makikita na
sa kaunting oras na nagkasama ang isang pangkat ay marami ng alaalang maiiwan
sa isipan ng lahat.
Alam
natin na kailangang mag-aral tayo para sa ating kinabukasan. Hindi naman natin
ito iniisip kaya minsan napapag-iwanan tayo pagdating sa ating mga grado. Pero kung
iisipin natin na tayo ay nag-aaral para sa mga magagandang alaala na gusto
nating madala sa ating paglaki, maaari nating mapag-igihan ang ating pag-aaral.
Kaya ating isipin na ang pagiging mag-aaral ay isang pribilehiyo para sa lahat
at lubusin na natin ang panahon na tayo’y ganito upang makita rin natin ang
kabuuan ng ating buhay.
Output #2: Lakbay-Sanaysay
Ang
Kabutihang Taglay Ko
Noong
Enero 28, 2017, isang magandang karanasan ang aking naranasan noong ako’y nasa
Canossa, Tagaytay. Recollection ng
aming eskuwelahan noong araw na iyon. Akala ko na isang simpleng pagtitipon ang
aming gagawin ngunit hindi pala. Maraming mga bagay ang nangyari noong araw na
iyon na nagmulat ng aking isipan sa kabutihan na aking taglay.
Ako’y
lumabas sa bus na aming sinakyan at tumapak sa lapag ng aming destinasyon. Naramdaman
ko ang malamig na simoy ng hangin na tila nagagalak sa aming pagdayo sa pook.
Isang malawak na ngiti ang lumabas at sumulpot sa aking mukha na nagsasabi na
ako’y magagalak sa aming munting pagdayo sa lugar.
Kami
ay pumasok na sa pook at pinapasok nang taong-puso ng mga tao roon. Nagsi-upuan
kami sa aming mga silya at nagsalita ang isang babae tungkol sa mga mangyayari
noong araw na iyon. Matapos ang ilang saglit, muli kong nakita ang taong
tumulong sa akin na makita ang aking halaga sa mundo. Siya ay si Kuya Pao, ang
aming speaker noong araw na iyon.
Sinimulan
naming ang aming mga aktibiti nang masaya at nakangiti. Lahat ay natuwa at
nagalak sa masasayang gawain na aming ginawa noong araw na iyon. Maraming aral
akong natutunan noong araw na iyon pero iisa ang tumatak sa aking isipan. Iyon ay
ang kabutihan na aking taglay kahit na madami akong nagawang hindi maganda sa
aking kapwa. Ako pala ay isang hindi perpektong tao ngunit may taglay na
malinis na puso at kagandahang asal. Lahat ng tao sa mundo ay may taglay na
kabutihan. Kahit na maliit na bagay na maaari mong ialay ay kabutihan ang
ipinapakita niyon. Masasabi ko na totoo ang lahat ng ito dahil sa mga
realisasyon na aking napuna tungkol sa mga nagawa ko sa ibang tao na
nakapagpangiti sa kanila.
Kaya
sa aming pag-uwi, ako’y tumayo at nagpakuha ng litrato sa magandang tanawin na
aking napagmasdan sa lugar na iyon. Ako ay ngumiti bilang tanda ng aking
magandang karanasan at bilang representasyon sa iba na tayo’y may kabutihang
taglay.
Output #3: Pictorial Essay
Mga Kaibigan,
Aking Pangalawang Pamliya
Isang
magandang karanasan ang magkaroon ng mga TUNAY na kaibigan na gagabay sa aking
tungo sa aking buhay. Hinding-hindi ko sila malilimutan sapagkat sila ang
nagturo sa akin tungkol sa mga bagay na aking dapat na matutunan, gumabay sa
akin, umintindi sa akin sa tuwing ako’y nagdaramdaman at unawain ako sa mga
ugali na aking taglay. Dahil sa mga ipinakita sa aking ng aking mga kaibigan,
itinuring ko silang aking pangalawang pamilya.
Paano
ko makakalimutan ang unang tropa na aking nakilala at nakasama? Sila nga pala
ang PARDS. Nakasama ko sila ng dalawang taon at nakagawa rin kami ng dalawang
pelikula na ang pamagat ay Asukal na
umabot hanggang dalawang yugto. Kami ay nagawa ng scene sa unang litratong nakalagay. Sa araw na iyon ay tuwa at saya
ang aming naipakita sa isa’t isa dahil maayos naming nagawa ang pelikula at
tawanan ang dala-dala habang ginagawa naming ang scene. Mga alaala rin ang bigay sa akin ng tropa kong ito, mga
magagandang alaala.
Paano
ko rin makakalimutan ang tropa kong ubod ng kulit pero kasiyahan naman ang
bitbit? Ang pangalan nila ay ang TROPANG ITIK. Sila ang klase ng mga kaibigang
saya lamang ang nais na gawin. Wala silang pakialam na ipakita kung sino sila
sa ibang tao. Ang importante para sa kanila ay sama-sama lang at maging ikaw
kung sino ka man. Iyan ang mahalagang bagay na natutunan ko sa kanila, ang
magpakatotoo sa sarili at magpakasaya lamang.
Sa
aming pagtitipon, nakita ko ang mga kaibigan ko na tumulong sa akin na tapusin ang
aking kailangang tapusin, mapa-eskuwelahan man o mapapersonal. Walang tiyak na
pangalan ang samahan naming na ito pero isa sila sa mga naging mahalagang parte
ng buhay ko.
Sa
dilaw at berdeng parte naman tayo dumapo. Sila nga pala ang nasasabihan ko ng
aking mga skireto. Sila rin ang madalas na mag-advice o magpayo sa akin tungo sa aking mga desisyon sa buhay. sila
ang pinagkakatiwalaan kong mga kaibigan na hinding-hindi ko mapapalitan na
kahit sino man. Sino sila? Sila ay may tiyak na pangalan, pero hindi ko na
isasaad. Ang importante, mayroong mga kaibigan tayong mapapagsabihan ng ating
mga kuwento at saloobin.
Dumating
tayo sa kanya. Oo, sa kanya. Ang babaeng aking pinagkakatiwalaan, aking
sandalan at hinding-hindi ko pababayaan. Siya ang aking matalik na kaibigan na
lubos na nakinig sa akin sa aking pinakamadilim at pinakamalungkot na karanasan
sa buhay. Hindi ko malilimutan ang 2 oras, 34 na minuto at 19 na Segundo nap ag-uusap
naming sa telepono tungkol sa mga saloobin naming.
Sila
ang aking mga kaibigan. Ang aking pangalawang pamilya. Nandyan sila palagi sa
oras na kakailanganin natin sila. Ituring nating pangalawang yugto ng ating
buhay ang ating mga kaibigan matapos sa unang yugto kung saan ang unang pamilya
natin ang unang nag-aruga sa atin.
Output
#4: Application Letter
Blk
4 L 10 Arveemar Homes
Julugan VI, Tanza, Cavite
Ika-16 ng Pebrero 2022
G. STEVEN ROGERS
Manager
Schneider Electric
Rosario, Cavite
Mahal na Ginoong Rogers:
Magandang
araw!
Ako po si Jene Reiner Nosa Borejon na nagtapos ng Bachelor of Science in Computer Engineering sa MAPUA Institute of Technology ng Intramuros taong 2016. Nais ko pong mamasukan bilang computer analyst sa inyong mabuting kompanya o kahit anong posisyong nauukol sa aking kurso.
Ako po si Jene Reiner Nosa Borejon na nagtapos ng Bachelor of Science in Computer Engineering sa MAPUA Institute of Technology ng Intramuros taong 2016. Nais ko pong mamasukan bilang computer analyst sa inyong mabuting kompanya o kahit anong posisyong nauukol sa aking kurso.
Ang pagiging working student ay
isang pribilehiyo para sa akin dahil nakuha kong maging responsable sa aking
mga tungkulin at napapabalanse ko ang aking oras.
Sa kasalukuyan, ako po ay
naninirahan sa Blk 4 L 10 Arveemar Homes, Julugan VI, Tanza, Cavite.
Maraming Salamat po sa inyong
pagtugon.
Lubos
na sumasainyo,
G. JENE BOREJON
Output
#5: Resume
Jene Reiner Nosa Borejon
Blk
4 L 10 Arveemar Homes
Julugan
VI, Tanza, Cavite
EDUKASYON
Institusyon
|
Tinapos
|
Petsa
|
MAPUA Institute of Technology
|
Bachelor of Science in Computer Engineering
|
Marso 2021
|
Saint Augustine School – Senior High School
|
Senior High
|
Marso 2018
|
Saint Augustine School
|
Sekondarya at Primarya
|
Marso 2016
|
Iñigo
De Loyola Academy
|
Baitang 3 hanggang 5
|
Marso 2011
|
Holy Trinity School of Tanza
|
Kinder hanggang Baitang 2
|
Marso 2008
|
MGA
LAYUNIN SA BUHAY
- Maisagawa ang mga responsibilidad ko sa aking trabaho at ang matapos ito sa tamang oras.
- Makipag-ugnayan sa aking mga katrabaho at makagawa ng isang matibay na samahan habang ako’y nagtatrabaho.
MGA
KARANGALANG NATAMO
- Magna cum Laude Ng Bachelor of Science in Computer Engineer 2021
- Bronze awardee 2018
- Outstanding Student 2012
SAMAHANG
KINABIBILANGAN
- Reader’s Society (Sekretarya)
- Financial Literacy (Sekretarya)
- Staffers (Miyembro)
SANGGUNIAN
Bb.
Genine S. Torres
English
Teacher
Saint
Augustine School – Senior High School
Gng.
Leonora B. Generao
Filipino/ICT
Teacher
Saint
Augustine School
Bb.
Rheena Jane S. Senido
Math
Teacher
Saint
Augustine School – Senior High School
Sinisigurado
ko na lahat ng nakasaad na mga tala sa resume na ito ay purong katotohanan at
walang mali.
G. JENE BOREJON
Output
#6: Liham Pasasalamat
Blk
4 L 10 Arveemar Homes
Julugan
VI, Tanza, Cavite
Ika-2
ng Marso 2022
G. STEVEN ROGERS
Manager
Schneider
Electric
Rosario,
Cavite
Kagalang-galang
na Ginoong Rogers:
Magandang araw!
Ako po si Jene Reiner Nosa Borejon at nagpapasalamat po ako sa inyong pagtanggap sa akin sa inyong mabuting tanggapan bilang isang computer analyst.
Ipinapangako ko po na ako ay
maglilingkod sa inyong kompanya at gagawin ko ang aking responsibilidad sa
posisyong inihayag niyo sa akin.
Maraming salamat po muli sa inyong
pagtanggap sa akin.
Lubos
na sumasainyo,
G. JENE BOREJON
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento